31

By

Blatche pumayat, landing na sa ‘Pinas

Kumpleto na ang Gilas Pilipinas sa pagdating ng naturalized center na si Andray Blatche.

Nitong Sabado ay lumapag na ang dating NBA journeyman sa bansa para simulan ang ensayo sa parating na 2019 Fiba World Cup na gaganapin Agosto 31 hanggang Setyembre 15, sa China.

Sa pagdating ni Blatche, sinalubong siya ng team manager ng PH national team na si Gabby Cui, tapos ay nakipagkita kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Special Assistant Ryan Gregorio at Gilas head coach Yeng Guiao.

Kapansin-pansin ang pagpayat ng 32-year-old forward/center, iba sa mga dating naging stint nito sa Gilas kung saan malaki ang pangangatawan.

Sa Lunes ay magsisimula na ang training ni Blatche kasama ang Gilas pool na binubuo nina June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Troy Rosario, Paul Lee, Mark Barroca, Beau Belga, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, RR Pogoy, Matthew Wright, at rookies CJ Perez at Robert Bolick.

“It is a great development that he is here early to get reacquainted with his teammates and coaches as we get ourselves ready for the FIBA World Cup in China,” ayon kay SBP President Al Panlilio.

“We are excited to see a full Gilas Pilipinas roster who will be ready to fight for flag and country.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?