112

Jul 22, 2019 @ 20:01
By

Blatche, Norwood, 8 pa dumating sa Gilas practice

Sampu lang ang dumalo sa Gilas practice kagabi sa Meralco Gym sa Pasig City sa pangunguna ni naturalized player Andray Blatche.

Siyam lamang ang nag-ensayo dahil dumating man si June Mar Fajardo ay naka-street clothes naman ito at nanood lamang.

Ito ay bilang paghahanda pa rin ng Nationals sa 2019 FIBA World Cup sa China ngayong darating na Agosto.

Bukod kay Blatche, dumating din para mag-training sina Gabe Norwood, Paul Lee, Mark Barroca, Kiefer Ravena, Poy Erram, Matthew Wright, CJ Perez at Beau Belga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?