92

Jan 25, 2020 @ 10:26
By

Blatche, Mighty Sports pinatumba ang Syria

Nanatiling walang bahid ang Mighty Sports sa 2020 Dubai International Basketball Tournament sa pagbibida ni ex-Gilas import Andray Blatche.

Sa ikalawang sunod na laro, sinungkit ng Mighty Sports and 77-72 win kontra sa Syrian team na Al Ittihan, Sabado ng gabi.

Bumalangkas ng 28 points at 11 rebounds si Blatche, kasama ang pambaon na tres, 54 segundo ang nalalabi para tuluyang maselyo ang panalo.

Noong second quarter ay magpasimula ng 17-0 run ang Mighty Sports para kunin ang 36-25 lead papasok sa huling dalawang minuto ng canto.

15 points, 10 rebounds at four assists naman ang ginawa ni Renaldo Balkman para sa 2-0 standings sa Group B.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?