58

Aug 21, 2019 @ 19:38
By

Blatche kumpiyansa: 2 panalo masusungkit ng Gilas

Kung noong 2014 ay nakakuha ang Gilas ng isang panalo, dalawa naman ngayon ang target ng tropa sa pangunguna ni naturalized player Andray Blatche.

Saad ng dating NBA journeyman, kung dati ay ginulantang nila ang mga nakalaban tulad ng Greece, Croatia, Argentina at Puerto Rico, kumpiyansa ito na ganito rin ang mangyayari ngayong bersyon ng Fiba World Cup.

“Just remember what we did in the first World Cup, playing against teams we played against for the first time, anything is possible,” ayon kay Blatche.

Ngunit naniniwala din si Blatche na mas magiging mahirap ngayon lalo’t alam na ng international countries kung papaano sila maglaro.

“It’s going to be a little tougher for us because teams are expecting our style of play. Teams are aware of what we can do. No team is going to come out and like ‘Oh, it’s the Philippines again.’ We got to work very hard on defense, rebound, and hopefully, all our open shots, we will knock them down,” sey ng naturalized player.

“I’ve been an underdog almost my whole life so it’s okay. It’s great to shock people. Our main focus is to get two wins. We got one win in the last World Cup. This time, our main goal is to get two wins and advance,” aniya pa.

Makakaharap ng Gilas ang mga bigating koponan mula Italy, Serbia at Angola.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?