77

Aug 7, 2019 @ 13:31
By

Blatche, Gilas tinambakan ang Congo

Simula pa lang, pinakita na ng Gilas Pilipinas ang kanilang kahandaan para sa 2019 Fiba World Cup sa paggiba sa Congo, 102-80, sa training camp sa Spain.

Nanguna si naturalized center Andray Blatche na kumana ng 25 points, ayuda naman ang kapwa big man na si Japeth Aguilar na tumapos ng 22 markers.

Ang Congo ay 82nd ranked sa Fiba ranking, malayo sa 30th spot ng PH national team.

Bukod kina Blatche at Aguilar, pangunahing nagtimon sa guard position si Mark Barroca na kumamada ng 16 points.

Haharapin ng Gilas sa World Cup ang Italy sa opening game, kasunod ang Serbia at Angola.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi uubra ang Gilas kontra Italy, ngunit kayang kaya talunin ang African team na Angola.

“Angola, ito puwede natin ilibing ng buhay,” aniya.

Una pa lang ay pakitang-gilas na ang ‘Pinas, 32-19 lead ang binulsa sa first quarter at sa halftime ay nasa double-digit scoring na agad sina Blatche at Aguilar.

Papasok ng fourth canto ay sukbit na ng Gilas ang 24 point lead, 84-60, at tuluyang ginapi ang Congo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?