107

Aug 5, 2019 @ 14:23
By

Blatche, Gilas dumating na sa Spain

Dumating na sa bansang Spain ang Gilas Pilipinas nitong Lunes (Manila time) para sa kanilang tuneup matches bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa FIBA World Cup 2019.

Ilan sa mga player na tumungo roon ay sina Andray Blatche, Japeth Aguilar, Gabe Norwood, Matthew Wright, Beau Belga, Mark Barroca, CJ Perez, Robert Bolick, Paul Lee, Poy Erram at Kiefer Ravena.

Hindi naman nakasama sa koponan sa Spain sina June Mar Fajardo, Christian Standhardinger, Troy Rosasio, Roger Pogoy dahil sa PBA Finals; Marcio Lassiter at Stanley Pringle na may iniindang injury; Raymond Almazan dahil sa Spanish Visa denial; at Jordan Clarkson na hinihintay pa ang FIBA approval na makapaglaro bilang local.

Ayon sa ESPN5, naka-checked in ang Gilas sa isang hotel sa Guadalajara kung saan dati na rin nilang tinuluyan noong kanilang paghahanda para sa 2014 FIBA World Cup.

Inaasahan na magdedeliber ang koponan sa tuneup matches roon bago tumungo sa China kung saan makakaharap ng mga ito ang mga bansang Serbia, Italy at Angola sa Group D ng World Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?