104
Blatche, Gilas biyaheng Spain
Aug 3, 2019 @ 20:12

Blatche, Gilas biyaheng Spain

Lilipad Linggo ng umaga ang Gilas Pilipinas patungong Spain para sa ilang araw na ensayo bilang preparasyon pa rin sa 2019 FIBA World Cup na didribol sa China.

Ayon sa report ng Spin.ph, pangungunahan ni naturalized player Andray Blatche at veteran Gabe Norwood ang 11-man pool ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao.

Kasama rin sina Kiefer Ravena, Mark Barroca, Matthew Wright, CJ Perez, Paul Lee, Poy Erram, Japeth Aguilar, Beau Belga at Robert Bolick.

“This is the best we can do sa limitations ng schedule ng PBA. We’ll just try to get all the work done to put this team together in the eight days that were in Spain,” sambit ni Guiao.

Hindi makakasama sina June Mar Fajardo, Christian Standhardinger, Marcio Lassiter, Troy Rosario at Roger Pogoy dahil ang kani-kanilang team na San Miguel at TNT ang magkalaban sa best-of-seven Commissioner’s Cup finals na magsisimula ngayong araw.

Nagpapagaling naman ng ankle sprain si Stanley Pringle ng Barangay Ginebra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?