Blatche dumating na sa Pinas para makasama ng Gilas

Sharing is caring!

Nasa Pilipinas na rin ang naturalized center Andray Blatche matapos ang isang linggo pagkaantala ng kanyang biyahe.

Nag-post pa si Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio ng photo sa Instagram para i-welcome si Blatche na dumating sa bansa noong Sabado ng gabi.

Naantala ang pagdating ni Blatch dahil tinapos pa nito ang kanyang dalawang laro sa regular season ng CBA sa ilalim ng koponan ng Xinjiang Flying Tigers.

Sa kanyang pagdating, makakasama na ito ng Gilas Pilipinas sa kanilang kampanya sa FIBA World Cup qualifiers kung saan makakalaro nila ang Japan sa Nobyembre 24.

Makakalaban naman nila ang Chinese-Taipei sa Nobyembre 27.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?