299

Jan 22, 2018 @ 18:55
By

Blankets, letters ni Rico itinago ni Claudine

Nang i-promote nila Rico Yan at Claudine Barretto ang kanilang blockbuster movie na ‘Got 2 Believe’ noong February 2002, hindi nahalata ng entertainment press na hiwalay na ang dalawa dahil mahusay sila na magdala ng problema sa kanilang relasyon.

Lumitaw ang katotohanan na hiwalay na sina Claudine at Rico nang bawian ito ng buhay habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan noong Good Friday ng March 29, 2002.

Kontrobersyal ang pagbisita ni Claudine sa burol ni Rico sa La Salle Greenhills dahil palihim ito na kinunan ng staff ng isang showbiz oriented talk show.

Sa pamamagitan ng social media account niya, ibinabahagi ni Claudine sa fans nila ni Rico ang mga alaala na naiwan sa kanya ng pumanaw na ex-boyfriend.

“Yes, the blankets and the letters. There still a lot of people, Claudine fans na hiniling ko lang na when he died na huwag siyang kalimutan ng tao and hindi nakalimot ‘yung tao so the little that I have left of him, I share it with those who miss him also but that’s how it all started. ‘Yun po ang start ng panic disorder ko.” (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?