35

Nov 29, 2017 @ 12:20

Blake Griffin, pahinga ng 8 weeks dahil sa knee injury

Hindi makakapaglaro ng walong linggo si Los Angeles Clippers forward Blake Griffin dahil sa pilay na natamo nito sa 120-115 victory kontra Los Angeles Lakers noong Lunes.

Nag-uunahan sa loose ball si Griffin at Austin Rivers matapos mawala ang bola kay Lakers guard Lonzo Ball.

Sa gustong makuha ang bola, sumungkab din si Ball kay Griffin subalit bumagksak naman si Rivers sa tuhod ng kanyang teammate.

Namilipit sa sakit si Griffin subalit tumayo at bumabad ng isang minuto bago pinalabas sa court.

Sa statement ng Clippers, nakita sa MRI exam na may medical collateral ligament sprain si Griffin at ang recovery period ay aabot ng walong linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?