49

By

Blair papauwiin, Smith sasandigan ng Blackwater

Palit-import ang Blackwater para patibayin ang kanilang kampanya sa pagpasok nila sa quarterfinals.

Papauwiin na si Staphon Blair, nagtamo ng knee injury, kukunin ang dati na rin nilang import noong nakaraang 2017 na si Greg Smith.

Nag-average si Smith ng 27.7 points, 21.2 points, 5.1 assists at 1.2 steals ngunit bigong makatungtong sa playoffs tangan ang 3-8 record.

Dati pang sumalang si Smith bilang practice player ng Gilas Pilipinas.

Sa pagdating ni Smith, paghahandaan na ng Blackwater ang quarterfinals na posibleng makalaban ang San Miguel o Magnolia Hotshots sa best-of-three series.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?