153

By

Blackwater, Walker ginulat ang San Miguel

Nakatulong ng malaki ang 12-day break sa Blackwater, pagbalik ay nakabingwit ng malaking isda sa San Miguel Beer.

Kumakapit sa unahan ang Elite sa first two quarters, naiwan sa third pero nakabalik sa fourth para nakawin ang 100-103 panalo sa Smart Araneta Coliseum nitong Miyerkoles nang gabi, Setyembre 5.

Nakadalawang sunod na panalo ang Blackwater sa PBA Governors Cup. Sapul noong 2017 Philippine Cup, ngayon lang ulit naumpisahan ng team ang isang conference sa 2-0.

“To God be the glory,” emosyonal pa ring bungad ni coach Bong Ramos sa postgame interview.

Umahon ang Elite mula, 82-74, pagkakaiwan pagkatapos ng three nang limitahan ang Beermen tungo sa 18 points.

“That’s the game plan, we want to play defense,” dagdag ni Ramos. “If we can play defense at the end of the game, if we can stay close, we can salvage an upset. And that’s a big upset tonight.”

Pumasok ang dalawang free throws ni Poy Erram mula sa foul ni Christian Standhardinger para ilayo sa tatlo ang Blackwater 19.4 seconds na lang, nagkaroon ng tsansa ang SMB na makapuwersa ng overtime pero kabyos ang unang 3 ni AZ Reid sa tuktok. Balik sa Beermen ang bola pero sablay din ang attempt ni Arwind Santos sa sulok sabay sa tunog ng final buzzer.

Nanguna ang 35 points, 17 rebounds, 5 assists at 7 steals ni Henry Walker sa Elite. Umayuda si Mike Digregorio ng 21 points mula sa 5 for 9 shooting sa labas ng arc, may 15 points, 9 rebounds at 7 assists si Nards Pinto.

Laglag sa 1-1 ang Beermen, nakahugot ng 12 points pataas mula sa limang players sa pangunguna ng 26 points ni Reid at 20 ni Standhardinger.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?