10

Oct 26, 2020 @ 18:16
By

Blackwater player na nagpositibo sa COVID, negatibo na sa swab test

Lumabas sa pinakabagong RT-PCR test na isinagawa noong Linggo na negatibo sa coronavirus disease ang Blackwater Elite player, na naunang nagpositibo.

Negatibo rin ang lumabas na resulta sa isinagawa sa kanyang antigen test noong Linggo.

“We would like to report that the RT-PCR test taken by the Blackwater player Sunday yielded a NEGATIVE result. He also tested negative on antigen yesterday,” sabi ng Philippine Basketball Association sa tweet nitong Lunes.

“As with the referee who has also tested negative both on RT-PCR and antigen, the player will have to remain in quarantine as a precautionary measure,” dagdag nito.

Magugunitang noong Sabado sinuspinde ng PBA ang bakbakang Blackwater-Rain or Shine matapos ang pagpositibo ng player.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?