9

By

Blackwater muling bibitawan ang draft pick?

Sharing is caring!

May mga ugong-ugong na asinta ng isang koponan sa PBA ang first-round draft pick ng Blackwater Elite.

Ang TNT KaTropa ay lumulutang na posibleng maging trade partner ng Blackwater para sa pick, na handa umanong i-trade si scorer Terrence Romeo para dito.

Ngunit sa naging artikulo ng Spin.ph, sinabi ng Blackwater team owner na si Dioceldo Sy na walang koponan pa umano ang lumalapit sa kanila para sa kanilang pick.

Kung sakaling matuloy ito, dalawa ang matunog na pangalan na nais kunin ni Sy, na nasa itaas din ng mga projected draft picks.

Sina two-time ABL local MVP na si Ray Parks Jr. at San Beda champion Robert Bolick ay salo sa top three pick ng PBA, si Lyceum star CJ Perez naman ang napipisil na first overall pick ng Columbian.

Nilinaw naman ni Sy na hindi nila sinasara ang kanilang pinto sa kahit anong trade, ang kanilang layunin ay basta’t mapalakas ang kanilang kampanya sa All-Filipino Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }