19

Jul 28, 2021 @ 16:07
By

Blackwater larong hayskul, tambak sa SMB

Bokya pa rin sa standings ng PBA Philippine Cup ang Blackwater Bossing matapos lumasap ng 99-80 pagkatalo sa kamay ng San Miguel Beermen nitong Miyerkoles.

Dumikit pa ang Bossing, 39-38, sa pagtatapos ng first half ngunit ‘di na ito nakasabay nang magseryoso na ang San Miguel sa third quarter, gamit ang balanseng opensa.

Naghalimaw si June Mar Fajardo sa kanyang 16 points at 11 rebounds habang anim pang mga Beermen ang umiskor sa double digits upang masiguro ang panalo.

Gumanda ang record ng San Miguel sa 3-1, habang lugmok sa 0-4 ang Bossing.

Si Simon Enciso lamang ang maganda ang nilaro para sa Blackwater sa kanyang 25 points, habang tig-12 points naman ang inambag nina Kelly Nabong at Mike Tolomia.

Samantala, ang inaasahang player ng Blackwater na si Baser Amer ay tila wala pa sa wisyo maglaro ang umiskor lang ng apat na puntos, tampok ang 1-15 field goal shooting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?