45
Blackwater

Blackwater ginulantang ang Ginebra; tinambakan ng 17 pts

Sharing is caring!

Nagdilang-anghel si Barangay Ginebra coach Tim Cone sa mga pahayag sa pre-game na delikadong koponan ang Blackwater Elite makaraang gulantangin sila at maitakbo ang panalo, 94-77, Biyernes ng gabi, Enero 12, sa PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Nagawang pigilan ng Blackwater ang mga higante ng Kings at shooters para sa nakakamanghang panalo kagabi.

Nakaabante ang Elite ng 13 points sa first half pa lang dahil sa panggulat na agresibong laro at pinahirapan ang Gin Kings hanggang sa dulo para maiuwi ang pinakamalaki nilang panalo sa local pro league.

Dahil sa panalo ay nakagitgit ngayon sa second place ang Blackwater katabla ang Ginebra, Magnolia, NLEX at Phoenix Petroleum sa 2-1 kartada.

“Ang ganda ng finish namin sa 2017, at ang ganda ng simula namin sa 2018, sana ma-maintain namin,” ani Poy Erram, ang rason sa 17-point pananambal ng Elite sa reigning Governors Cup back-to-back champs.

Nakalusot si Erram sa mga big men ng Kings na sina Greg Slaughter at Japeth Aguilar at nakapagtala ng 22 points, 11 rebounds at 4 blocks, para pangunahan ang Blackwater sa pangalawang panalo, una ay sa 92-87 victory sa Rain or Shine noong Disyembre 29.

“Malaking bagay ang panalong ito. Tataas ang confidence ng mga players at lahat kami as a team,” dagdag pa ni Erram.

Dinungisan din ng Elite ang malinis na record ng Kings at pinalasap ang unang pagkatalo nito mula pa noong 2017 Governors Cup.

Tumulong naman sina Mac Belo at Allein Maliksi. Si Belo na may 22 points, 7 rebounds at 3 assists habang si Maliksi ay 17 pts, 7 boards at 3 assts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?