86

By

Blackwater giniba ang Rain or Shine, pumantay sa Ginebra

Kinasangkapan ng Blackwater ang kawalan nina injured Raymond Almazan at James Yap habang umangas pa sina Mike Digregorio, Nards Pinto at Henry Walker upang maitumba ang Rain or Shine, 99-93, sa PBA Governors’ Cup elims sa Sta. Rosa City Multi-Purpose Complex sa Laguna.

Isang mahalagang 3-point shot ni Pinto sa patapos ng final quarter ang sumigurado sa tagumpay ng Blackwater tungo sa pagtapos niya ng 16 points sa likod ng 17 ni Digregorio. May triple-double si Walker na 14 pts., 14 rebounds at 12 assists.

Umabante ng hanggang 16 ang Elite, pero kinailangang ipagpag ang makulit na RoS upang makuha ang ika-6 na panalo sa pitong salang at akbayan sa tuktok ang Ginebra, sinalya ang Elasto Painters sa 0-4.

Ang ‘3’ ni Pinto ang nagpalayo ulit sa Elite sa 97-92 mula sa pagdikit na 2 na lang ng E-Painters sa nalalabing 15 segundo sa sultada.

“We were focused on getting the sixth win today and I’m happy that my players achieved it. They really want to get that. We controlled the game,” suma ni Blackwater coach Bong Ramos.

Ang iskor:
Blackwater 99 — Digregorio 17, Pinto 16, Walker 14, Maliksi 13, Zamar 11, Jose 8, Belo 6, Sena 5, Javier 4, Sumang 3, Erram 2, Cortez 0.
Rain or Shine 93 — Ahanmisi 25, Watson 17, Daquioag 15, Ponferada 9, Torres 8, Belga 7, Borboran 5, Nambatac 4, Norwood 3, Washington 0, Tiu 0, Casino 0, Onwubere 0.
Quarters: 27-30, 47-39, 73-64, 99-93.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?