6

Feb 7, 2021 @ 15:52

Blackswan’s Leia suportado LGBT

Agaw-pansin ang Brazilian-Japanese member ng South Korean girl group na Blackswan na si Leia.

Sa Twitter, tinanong ng isang gay fan kung sinusuportahan ba ng grupo ang mga lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT).

Sabi pa ni @Carrielepedro1, maraming fans ang Blackswan na parte ng LGBT community.

“OF COURSE !!!!!!!!!! ALWAYS 🏳️‍🌈,” tugon ni Leia kalakip ang emoji ng dilaw na puso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?