38

Sep 10, 2021 @ 15:34
By

Blackpink member Lisa nagsolo na rin

Pinag-usapan online si Blackpink member Lisa Manoban.

Ito ay matapos ilabas ang music video ng solo song niyang “Lalisa”.

Agad itong humakot ng 10 million views sa YouTube sa loob lang ng 90 minuto!

Dahil dito, gumawa ng history si Lisa bilang fastest debut MV to hit 10 million.

Habang sinusulat ito ay may mahigit 17 million na ang “Lalisa” MV at No. 1 trending sa YT.

Si Lisa ang ikatlong Blackpink member na naglabas ng solo debut.

Nauna si Jennie na may sariling kanta na “Solo” noong 2018. Noong March naman inilabas ang solo album “R” ni Rose.

Abala naman ang kamiyembro nilang si Jisoo sa drama series.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?