21

Jun 16, 2021 @ 16:49
By

Blackpink magkaka-movie na

Para sa kanilang 5th anniversary celebration, magkakaroon ng pelikula ang South Korean girl group Blackpink sa August.

Ayon sa Soompi report, ipalalabas ang “Blackpink: The Movie” sa 100 bansa worldwide.

Tampok sa movie ang isang “Unreleased Special Interview” at limang kanta mula sa mga show ng Blackpink.

Bahagi ang “Blackpink: The Movie” sa “4+1 project” ng girl group, ayon sa kanilang agency na YG Entertainment.

Ang Blackpink ay binubuo nina Rosé, Jennie, Lisa at Jisoo.

Kabilang sa sikat na kanta nila ang “DDU-DU DDU-DU”, “Kill This Love” at “Boombayah”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?