33

Oct 11, 2021 @ 16:16
By

Blackpink Lisa tinalbugan si Taylor Swift, winindang Guinness records

Wagi na naman ang ‘BLINKs’ sa K-pop world!

Dalawang Guiness World Records lang naman kasi ang nasungkit ni Lisa dahil sa kanyang music video na “LALISA” na siyang nakakuha ng 73.6 milyong views sa YouTube sa loob lamang ng 24 Oras.

Dahil dito, si Lisa na ang nakakuha ng “Most Viewed YouTube music video” ng isang solo artist sa loob ng 24 Oras.

Tinalo ng Koreana si Taylor Swift na siyang nakakuha ng naturang record noong 2019 para sa music video niyang ME!

Ayon sa ulat ng GMA News, nakuha rin ni Lisa ang “Most Viewed YouTube music video” record para sa isang solo K-pop artist sa loob ng isang araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?