264

Blackpink layas na sa YG Entertainment! – mga fan

Hindi na natutuwa ang mga fan ng K-pop girl group Blackpink sa pagtrato ng label nitong YG Entertainment sa kanilang mga idol.

Nakita kasi nilang inangkin ng talent agency ang pagpasok ng Blackpink sa listahan ng “next 100 most influential people” ng Time Magazine.

Bukod pa rito, hindi rin umano inaalagaan at pinapasikat ng YG ang Blackpink.

Sa Twitter na nilabas ang kanilang mga hinaing, at sinabing “Blackpink, leave YG!”

As of now, trending sa Top 1 trending sa Twitter PH ang #BLACKPINKLEAVEYG na may 21.8K tweets.

May iba pang sinabi na magtatag na lang ang apat na K-pop star ng “Blackpink Entertainment.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?