108

Feb 9, 2019 @ 10:57
By

BLACKPINK, Greta Van Fleet magpapasiklab sa Grammy Eve UMG party

Magpapasabog ng kanilang galing ang K-Pop sensation na BLACKPINK sa magaganap na Universal Music Group CEO Lucian Grainge’s 2019 Artist Showcase.

Magtatanghal ang grupo para sa kanilang debut na magaganap sa Pebrero 9, gabi bago ang 61st GRAMMY awards.

Makakasama ng mga ito ang Best New Artist-and-more nominees na Greta Van Fleet.

Excited ang mga fan sa kaabang-abang ng gabi ng pagtatanghal ng kanilang idolo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?