11

Sep 18, 2021 @ 19:01
By

BLACKPINK bida sa programa ng UN

Bukod sa pagiging international music sensation ay may mas malaking gampanin na ngayon ang grupong BLACKPINK.

Ito ay dahil ang Korean group ang bagong Sustainable Development Goals (SDGs) advocate ng United Nations.

Inanunsyo ito ng UN ngayong Sabado.

“Welcome BLACKPINK to the UN family!” saad sa Twitter post ng UN.

Bilang advocate ng SDGs, ang BLACKPINK ay maaatasang pangunahan ang mga layunin nito gaya ng pagpromote ng kasaganaan sa buhay ng mga tao at pangangalaga sa kapaligiran pagdating ng 2030.

Ilan pa sa mga layunin ng SDGs ang edukasyon, kalusugan, kaligtasan ng komunidad, trabaho, at paglaban sa climate change.

Ayon sa ulat, ang BLACKPINK ang unang Asyanong artist na naging advocate ng SDG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?