102

Oct 13, 2021 @ 16:48
By

Blackpink bawal tumanggap ng regalo

Pinagbawalan na ang Blackpink na tumanggap ng regalo mula sa mga fan.

Ayon ito sa kanilang agency na YG Entertainment.

Sabi ng YG Entertainment sa Soompi report, ibigay na lamang daw ang mga regalo at fan support sa mga mas nangangailangan nito.

“Aside from fan letters, please keep in mind that any mailed gifts or delivered packaged will either be returned or thrown away. We ask for fans’ cooperation and understanding,” saad ng agency.

Nabuo ang Blackpink noong 2016 sa album na “Square One”.

Kinabibilangan ito nina Jennie, Lisa, Rose at Jisoo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?