34

Apr 9, 2021 @ 12:03
By

Blacklist binalak kunin star player ni Dogie

Nilantad ni Blacklist International coach Bonn “BON CHAN” Ricaplaza na isang player pala mula sa Nexplay Esports ang gusto sana nilang makuha papasok sa MPL Philippines Season 7.

Sa ‘Patch Notes’ ng Tier One Studios, kinuwento ni BON CHAN na kung sakali, sa NXP pala dapat mapupunta ang kanilang child prodigy na si Kairi Rayosdelsol, kasama pa ang kanilang solo laner na si Edward Dapadap.

“Binibigay namin sa NXP si Kairi tsaka si Edward kapalit lang ng isa,” kuwento ni BON CHAN.

“Kasi iniisip ko, taga-Bataan si Kyrie, taga-Bataan si Edward, ba’t di pa magsama-sama yung mga taga-Bataan dun kina Dogie since nandon na si Renejay,” aniya pa.

Dito niya nilantad na si John Paul ‘H2wo’ Salonga pala ang gusto sana nilang makuha sa koponan ng NXP, kung saan ang sikat na streamer na si Akosi Dogie ang coach.

Ngunit hindi ito natuloy, at ang tandem nina Danerie James “Wise” Del Rosario at Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna ang dumagdag sa kanilang koponan.

Sa pagtatapos ng second week ng MPL PH Season 7, nananatiling walang talo ang Blacklist sa kanilang pagdomina sa ilang bigating koponan tulad ng Execration, Laus Playbook Esports at Aura PH.

Solo sila sa tuktok hawak ang eight points sa Group B dahil na rin sa kakaiba nilang drafting na tila hindi pa mabasa ng ibang katunggali sa MPL PH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?