15

Oct 11, 2020 @ 22:49
By

Black, Robinson ‘mabibinyagan’

Tampok ang ‘pagbinyag’ kina Aaron Black at Michael Christopher ‘Topex’ Robinson sa salpukang Meralco at Phoenix Super LPG ngayong Lunes ng alas-4:00 nang hapon sa 45th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2020 eliminations sa bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

Si rookie Aaron ay anak ni Bolts coach Norman Black, samantalang si Robinson ang bagong interim coach ng Fuelmasters na pumalit sa sinibak na si Francisco Luis ‘Louie’ Alas na may tatlong taong nagmando sa Uy franchise.

“It’s a challenge obviously for me stepping in for what he started, and the way for me to honor that is to make sure that the competitive team that he build would produce not just winning, but the character that he established in this team,” ani Robinson, na patungo sa bagong puwesto’y assistant coach muna ng team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?