59

May 10, 2020 @ 15:18
By

‘Black Mirror’ ‘di kailangan ng mundo sa ngayon – creator

Hindi muna mapanonood ng madla ang Season 6 ng “Black Mirror,” habang patuloy na kinahaharap ng daigdig ang coronavirus pandemic.

Ito ang tingin ni Charlie Brooker, ang creator nitong Netflix dystopian sci-fi TV series. Sa ngayon, nakatuon aniya ang kanyang atensiyon sa paggawa ng magagaan na script.

“At the moment, I don’t know what stomach there would be for stories about societies falling apart, so I am not working on one of those [Black Mirror episodes],” sambit ng British writer/producer sa Radio Times.

“I’m sort of keen to revisit my comic skill set, so I’ve been writing scripts aimed at making myself laugh,” lahad niya pa.

Huling naglabas ng bagong Black Mirror episode noong Hunyo 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?