22

By

Black Friday protest, inilarga ng militanteng grupo

Nagdaos ng Black Friday protest ang grupong Bayan sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan upang ipabatid sa taumbayan ang matinding pasakit na dulot ng TRAIN Law.

Ayon kay Bayan Sec. Gen. Renato Reyes, ang Black Friday protest ay idinaos nila sa mga matataong lugar tulad sa Trabaho Market sa Sampaloc at Avenida sa Maynila, Arayat sa Cubao, sa Commonwealth Market at iba pang mga lugar na madalas puntahan ng mga tao.

Paliwanag ni Reyes, sasabayan din nila ito ng pagpapapirma ng dokumento sa taumbayan para tutulan ang TRAIN Law, dagdag buwis, kawalan ng trabaho at mababang sahod, na siyang ugat ng nagtataasang mga pangunahing bilihin, pamasahe at iba pa.

Binatikos din ng grupong Bayan ang naging pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na sinabing iyaking bata o crying baby ang mga nagrereklamo kontra sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?