19

Oct 14, 2021 @ 10:31
By

BJMP-NCR inulan ng COVID rapid antigen test kits mula sa WHO PH

Nakatanggap ang Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Region office (BJMP) ng 1,500 COVID-19 rapid antigen diagnostic kits na siyang donasyon ng World Health Organization (WHO) Philippines sa kanila.

Ayon sa ulat ng GMA News, personal itong ipinagkaloob ni WHO Philippines representative Dr. Rabindra Abeyasinghe kay Regional Director Chief Superintendent Luisito Muñoz.

https://www.facebook.com/media/set/?vanity=bjmpncro&set=a.235833715249297

Dahil dito, inaasahang magpapatuloy pa ang regular na rapid testing sa mga empleyado ng BJMP-NCR. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?