12
bucor-bjmp
By

BJMP, BuCor pinaaapura ni Legarda sa konstruksiyon ng mga bilangguan

Sharing is caring!

Pinagmamadali ni Senadora Loren Legarda ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor) sa konstruksiyon at pagsasaayos ng mga bilangguan.

Sa gitna ito ng ulat na may namamatay na sa tindi ng siksikan at init sa mga bilangguan bunsod ng pagdami ng mga preso dahil sa maigting na kampanya laban sa droga.

Ayon kay Legarda, chairman ng Senate Committee on Finance, may badyet ang dalawang ahensiya taun-taon para unti-unting makapagpatayo at makapagpaayos ng mga bilangguan.

“Jail congestion has long been a problem in our correctional system and we are trying to address this through the annual budget,” ani Legarda.

“The Bureau of Corrections under the DOJ and the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) under the DILG should ensure that we have enough facilities for prisoners, including expected number of additional inmates, and that there is enough budget for their meals and medicines,” dagdag ng senadora.

Ngayong taon, may P2.019 bilyon na operational budget ang BuCor para sa anim na kulungan na nasa Sablayan sa Occidental Mindoro; Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan; San Ramon sa Zamboanga City; Abuyog sa Southern Leyte; Panabo City sa Davao del Norte; at Laur sa Nueva Ecija.

Ang P1.73 bilyon naman ay para sa custody at safekeeping program para sa mga preso.

Mayroon namang bukod na P13.5 bilyon ang BJMP para sa pagmamantine ng ligtas at makataong bilangguan sa mga district, city at municipal jails.

Ayon kay Legarda, kailangang apurahin ang mga bagong bilangguan kasabay ng pagmamadali rin sa pagdinig ng kaso ng mga bilanggo upang mapaluwag ang mga kulungan at mailabas doon ang mga walang sala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?