16

Jan 18, 2020 @ 17:59
By

BJMP: Bilanggo na apektado ng Taal eruption ligtas na nailikas

Siniguro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga pamilya ng mga persons deprived of liberty (PDL) na apektado ng pagsabog ng Taal Volcano na ligtas ang mga ito.

Ayon kay BJMP spokesman Chief Inspector Xavier Solda, nagsagawa ang ahensiya ng preemptive evacuation noong Enero 12-13 kung saan dinala ang may 54 bilanggo na mula sa Lemery Municipal Jail patungong Batangas City Jail para sa kanilang kaligtasan.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy aniya ang pag-implementa nila ng “red alert status” sa kanilang mga jail facility sa Southern Tagalog.

Dagdag pa ni Solda, nakikiisa rin ang mga inmate sa pagtulong sa mga nasalanta ng bulkang Taal gaya ng paggawa ng mga face mask sa BJMP-run facility sa Quezon province.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?