92

Nov 18, 2018 @ 18:36
By

Biyenan ni Poe sinagip ng seatbelt

Kaunting bali at galos lamang ang tinamo ng biyenan ni Senadora Grace Poe sa pagkahulog ng sasakyan nito mula sa ikatlong palapag ng parking building ng Greenhills Shopping Center sa San Juan kaninang umaga.

Ayon sa senadora, nakaligtas si Dr. Teodoro Paraiso Llamanzares mula sa mas malaking disgrasya dahil nakasuot ng seatbelt.

“Nagpapasalamat kami na ang aking biyenan, si Dr. Teodoro Paraiso Llamanzares, ay nasa mabuting kalagayan at walang ibang nasaktan sa insidente. Mabuti at nagsuot siya ng seatbelt kaya’t nagtamo lamang siya ng kaunting bali at mga galos,” ayon sa Senadora.

“Umaasa kami sa kanyang mabilis na paggaling, habang nagpapasalamat sa pag-aalala at panalangin ng lahat,” dagdag ni Poe.

Dakong alas-9:45 ng umaga, nahulog ang sports utility vehicle ni Llamanzares mula sa elevated parking area.

Hindi pa tiyak ang dahilan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?