31

Nov 16, 2021 @ 16:10
By

Biyaya ng Diyos: Paglago ng GDP ikinatuwa ni Duterte

Ikinagalak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bloomberg Report na tumaas ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ngayong third quarter ng taon.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na magandang biyaya ito ng Diyos sa kabila ng nararanasang pandemya.

Naniniwala si Pangulong Duterte na makakabalik din ang ekonomiya ng bansa mula sa dating estado bago dumating ang pandemya.

“Bloomberg reported recently that the Philippine’s gross domestic product or GDP grew by more than seven percent in the third quarter of 2021. Napakaganda namang biyaya ng Diyos na ito,” anang Pangulo.

Ang paglago aniya ng GDP ay dahil sa malakas na household consumption dahil kahit mayroong pandemya ay malaki ang indikasyon na muling makakabangon ang ekonomiya ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na pinatunayan lamang ng Bloomberg report na hindi nagkamali ang gobyerno sa mga naging desisyon at pagtugon sa COVID-19 pandemic, partikular ang pagbalanse sa kalusugan ng mga Pilipino at sa ekonomiya.

“This is truly good and welcome news because it affirms that our strategies are correct in balancing health and economy,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?