100

Dec 30, 2017 @ 17:09

Biyahero sa mga pantalan, umabot na sa higit 67K

Tumaas ang bilang ng mga biyahero sa karagatan matapos umabot sa higit 67K ang mga nasa pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa, isang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa 67,550 ang kabuuang bilang ng mga pasahero sa pantalan.

Pinakamarami ang naitala sa Central Visayas na may 16,495 na bilang ng mga pasahero, sumunod ang Southern Tagalog na umabot sa 13,378, at pangatlo ang Northern Mindanao na may 7,475 na pasahero.

Samantala dinagsa rin ng mga pasahero ang Bicol, Palawan, National Capital Region-Central at Eastern Visayas.

Patuloy umano ang monitoring at pagbabantay ng PCG sa mga pier upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasaherong nais makauwi ngayong Bagong Taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?