14

Apr 4, 2021 @ 18:59
By

Biyahero mula ‘Pinas nagpasok ng COVID sa Hong Kong

Inanunsyo ng Center for Health Protection na pito ang bagong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong, kabilang dito ang isa na nanggaling sa Pilipinas.

Ayon sa CHP, lima sa bagong kaso ay nagmula sa India, tig-isa naman sa ‘Pinas at Indonesia.

Wala naman umanong nakitang sintomas sa mga nagpositibo.

Sa nakalipas na 14 araw, nasa 130 kaso ng COVID-19 ang naiulat sa Hong Kong.

Patuloy ang isinasagawang contact tracing para sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?