36

Mar 26, 2020 @ 14:26
By

Biyaheng Singapore nina Bongbong, Sen. Imee tinanggi

Itinanggi ni dating PCG Commandant Admiral Reuben Lista ang napaulat na lilipad tungong Singapore ang dating senador na si Bongbong Marcos para magpa-test ng COVID-19.

Ayon kay Reuben,

Base sa kanyang statement, sinabi ni Reuben sa Abante TNT na hindi totoo ang kumakalat na balitang pupunta ang dating senador sa Singapore.

Galing umano ito sa Spain at nagpa-check saglit sa St. Luke’s para magpakonsulta. Pero ngayon ay sinigurado nitong nasa maayos nang lagay ang 62-anyos na pulitiko.

“BBM is at home and feeling better waiting for the result of his covid test. He came from Spain, was not feeling well so he went to st Luke’s for consultation. Fake news yung Singapore – He can not go to Singapore coz they won’t accept anyone,” saad sa statement.

Kasabay nito ay itinanggi rin niya ang napaulat na kasama ni Bongbong na lumipad sa Singapore si senator Imee.

Aniya, ay busy nga ngayon ang senadora na magtawag sa mga LGU upang asikasuhin ang mga PPEs, Masks, food, money at iba pang kailangan ng mga front liners.

“BTW, there are some chat groups insinuating that Sen. Imee flew to Singapore with BBM and that she is not well too. Tell them that she is very busy calling on friends and govt officers for PPEs, Masks, food, money and other needs of front liners and our people.”

Kaugnay nito ay hiling niyang ipagpatuloy lamang ang pagdarasal upang gumaling na ang may mga sakit at hindi na kumalat pa ang COVID-19.

“Please continue to pray for all infected person for their complete and fast recovery and for our own safety and good health – and again – – that of everyone.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?