50

Sep 9, 2019 @ 14:30
By

Biyaheng Japan kanselado sa sama ng panahon

Kinansela nitong Linggo, Setyembre 8, ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ilang biyahe patungong Japan dahil sa masamang lagay ng panahon.

Sa abiso ng MIAA, ang mga kinaselang biyahe sa NAIA Terminal 2 ng Philippine Airlines ay ang PR 432 na biyaheng Manila patungong Narita at PR 424 na biyaheng Manila – Tokyo.

Pinayuhan naman ng pamunuan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanila para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?