63

May 4, 2020 @ 22:17
By

Biyaheng Bicol ng PNR, balik operasyon sa Mayo 6

Matapos ilagay sa general community quarantine ang ilang lugar sa Luzon, balik operasyon na ang Philippine National Railways (PNR) sa Mayo 6.

Ayon sa PNR, magbubukas na ang biyahe nila sa Naga-Sipocot-Naga at vice versa sa minimum na pasahe na P12, at P32 hanggang Sipocot.

Pero limitado lang ang pasaherong papasakayin para sa social distancing.

Ani Ces Lauta, assistant general manager ng PNR, mula sa normal capacity na 450 na pasahero, magsasakay lang sila ng 106 na pasahero kada biyahe.

Hindi naman papayagan sa tren ang mga pasaherong edad 0-20 at 60 pataas, buntis, at mga walang suot na face mask.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?