13

Oct 31, 2020 @ 10:42
By

Biyahe sa karagatan pinatigil ng Coast Guard

Pinahinto na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang biyahe para sa lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa mga lugar na tatamaan ng hagupit ng bagyong Rolly.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, inagahan nila ang pagbibigay ng notice sa mga mandaragat para makapaghanda sa masamang panahon.

“Ayaw na nating maulit ‘yung sa Typhoon Quinta na maraming vessels ang nagkaroon ng problema lalo dito sa Bauan, Batangas so maaga tayong nag-issue ng notice to mariners na maghanap ng mapagtataguan at i-secure ng mabuti ‘yung mga barko,” ayon kay Balilo sa panayam ng TeleRadyo.

Kasama sa mga sinuspendeng biyahe ng PCG ay ang mga naglalayag sa buong Bicol Region at Northern Samar.

Bukod pa dito, dinagdag din sa suspensyon ang mga area sa Mindoro, Batangas, Lucena at port of Manila.

“Sa Batangas may pinababa na tayo kanina sa dalawang barkong inabutan ng ating suspension, mga 58 po ‘yung mga taong nasa Batangas ngayon,” lahad ng tagapagsalita ng PCG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?