155

Nov 26, 2021 @ 19:53
By

Biyahe patakas ng magkapatid na Dargani,bayad ng negosyante

Isiniwalat ni Pharmally Pharmaceutical Corp. executive Mohit Dargani sa mga senador na isang kaibigan ang sumagot sa bayad ng chartered flight nilang magkapatid patungo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sina Mohit at Twinkle Dargani, parehong opisyal ng Pharmally ay naaresto ng Senate security sa Davao City International Airport habang papatakas patungong Malaysia noong Nobyembre 14.

Batay sa dokumento inilabas ni Senadora Risa Hontiveros, ang halaga ng flight ay nasa pagitan ng $37,000 o mahigit P1.85 milyon.

Unang tumanggi si Dargani na pangalanan ang kanyang kaibigan na sumagot sa gastos sa chartered flight bilang proteksiyon sa privacy nito.

Subalit piniga nang husto ni Hontiveros si Dargani kalaunan ay ibinunyag din niya ang pangalan nito na isang Gary Wong, na isang negosyante na nakabase sa Singapore.

Sabi ni Mohit, nakilala niya si Wong sa isang restaurant o isang bar sa Singapore.

Dagdag pa nito, hindi umano alam ni Wong na naisyuhan sila ng kanyang kapatid na si Twinkle ng arrest order subalit nalaman din na naharang sila ng Senate security sa Davao airport.

Babayaran naman din umano si Wong ng kapatid kapag naayos na gusot na kinasasangkutan nila.

“I will still have to pay for it, but I think he would be kind enough to wait until I get out of here,” ani Mohit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?