97

By

Biyahe pa-NLEX: Cruz bibitawan na ng TNT

Mukhang matutuloy na ang paglipat ni Jericho Cruz matapos iburo ng TNT sa kanilang bench ng ilang buwan.

Naipadala na ang mga papeles para sa trade kay Cruz sa PBA Commissioner’s Office at tanging pirma na lang ang kailangan para pormal na itong matuloy.

Sa trade, kasama ang NorthPort bilang third team para matuloy ang nasabing trade.

Hindi pa nilalabas ang buong detalye ngunit kasama sa trade ang big man ng NLEX na si Marion Magat, TNT center Mike Miranda at dalawang draft pick.

Matatandaan na nilahad ng isang NLEX official na matagal na nilang gustong kunin si Cruz lalo pa’t mare-reunite ito sa kanyang dating coach na si Yeng Guiao noong nasa Rain or Shine pa ito. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?