25
sandigan-tesda
By

Biyahe pa-Hong Kong, hiling ni Jinggoy dahil sa stress

Sharing is caring!

Dumulog sa Sandiganbayan ang dating senador na si Jinggoy Estrada para makabiyahe pa-abroad at makasama ang kanyang pamilya.

Noong Disyembre 6 ay naghain ang mga abogado ni Estrada para sa hiling na makapagpahinga sa Hong Kong, dinahilan ang pressure sa parating na kampanya kung saan tatakbo ang dating mambabatas sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.

“The purpose of the travel is for the family to spend the holidays together and have more time to relax and have rest [from] the pressure of his everyday concerns before the campaign period,” saad sa inihain ng kanyang mga abogado.

Si Estrada ay kasalukuyang pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa sa kasong graft, at lilitisin pa sa kasong plunder.

Ang kahilingan ni Estrada ay kasunod ng paglabas ng hatol sa kanyang kaibigan at nasangkot din sa pork barrel scam na si Bong Revilla Jr, na nakalaya na matapos ma-acquit sa kasong plunder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }