41
mike-arroyo
Apr 3, 2018 @ 13:20
By

Biyahe ni Mike Arroyo sa Japan, HK aprub sa Sandigan

Pinagbigyan ng Sandiganbayan 7th Division ang hirit ni dating First Gentleman Mike Arroyo na makabiyahe sa Japan at Hong Kong mula Abril 21-27, 2018.

Sa kautusan nito na may petsang March 26, inaprubahan ng anti-graft court ang motion to travel na inihain ni Arroyo, sa kabila ng pagtutol ng prosekusyon.

Hindi sinabi ni Arroyo ang dahilan ng kanyang biyahe sa Tokyo, Japan mula Abril 21-25 at sa Hong Kong sa Abril 25-27, sa kanyang mosyon.

Bilang kondisyon, kailangang magpakita ni Arroyo sa Division Clerk of Court sa loob ng limang araw pagbalik nito sa bansa. Dati pa itong nakapaglagak ng P90,000 na travel bond sa mga nakaraang biyahe.

Nahaharap si Arroyo sa kasong katiwalian kaugnay ng umano’y anomalya sa pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng dalawang helicopters noong 2009. Ibinenta umano nito ang dating pagmamay-aring helicopters sa halaga ng brand new.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?