28

By

Biyahe ng tropa ni Guiao napaaga

Sharing is caring!

Agad na bibiyahe sa bulto ng pambansang delegasyon ang Philippine men’s basketball team pa-Jakarta, Indonesia sa Linggo, Agosto 12 para sa pagsali nito sa 18th Asian Games na magsisimula ng maaga sa itinakdang orihinal na Agosto 19 na opening ceremony, hanggang Setyembre 2.

Mas maagang bibitbitin ni national coach Joseller “Yeng” Guiao ang kanyang 14-member pool pa-Indonesia sa hangad na magkasama-sama muna ang mga manlalaro bago sumabak sa 2 krusyal na laro sa multi-sports na torneo.

Dahil sa maagang pagbiyahe sa AG, ang basketball team lang ang hindi makakadalo buhat sa iba’t ibang disiplina sa delegasyon ng mga atleta para sa send-off sa Malacanang sa Lunes, Agosto 13.

Sinabi ni Guiao na mas makakapokus sa ensayo ang koponan sa maagang pagtungo sa Jakarta bago nito simulan ang kampanya sa pagnanais na mapaganda ang huling puwesto sa kompetisyon apat na taon ang nakalipas kasama ang 13 iba pang bansa.

“Kailangan namin talaga mag-focus sa gahol na naming panahon. Double time talaga pati scouting,” ani Guiao.

Inaprubahan naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mas maagang pag-alis ng koponan na dapat sana’y sa Agosto 14 o dalawang araw bago nito makasagupa ang panibagong kasama sa Group D na Kazakhstan sa Agosto 16. Sunod na makakasagupa ng Nationals sa Agosto 21 ang powerhouse China.

Hindi na din masusunod ang plano ni Guiao na makatune-up ang isang koponan sa PBA.
Asa pa rin si Guiao na sana’y tuluyang payagan ng National Basketball Association (NBA) at Cleveland Cavaliers si Jordan Clarkson na maglaro para sa Pinas. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?