4,128

Aug 14, 2019 @ 19:06
By

Biyahe ng tren sa Bicol, abot na hanggang Legazpi – DOTr

Madadagdagan na ang lugar na maseserbisyuhan ng Philippine National Railways (PNR) sa Bicol region bago matapos ang taon o hanggang Enero 2020.

Sinabi ni PNR General Manager John Magno sa economic briefing sa Malacañang na bubuksan nila ang Sipocot hanggang Legazpi na biyahe ng train para madaling makarating sa kanilang destinasyon ang mga Bicolano.

Sa kasalukuyan ay biyaheng Sipocot hanggang Naga lang ang operasyon ng train sa Bicol region at bago mag-Disyembre o Enero ay madadagdag na ang Legazpi na inaasahang magiging kaluwagan sa pagbiyahe mga taga-Bicol.

“We are transferring several train sets by end of the year to reopen Sipocot to Legazpi commuter service. Right now, we are running Sipocot to Naga lang but we are extending it between Sipocot, Naga and Legazpi tentatively between December and January next year,” ani Magno.

Matatandaang sa ngayon ay wala pang diretsong biyahe ang PNR mula Metro Manila hanggang Bicol dahil inaayos pa ang mga riles patungo sa rehiyon na isinasailalim ng gobyerno sa rehabilitasyon.

Matagal ng panahon na natigil ang biyahe ng PNR patungong Bicol dahil sa kalumaan ng mga train at kakulangan ng maintenance ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?