132

Dec 14, 2017 @ 17:45
By

Biyahe ng RoRo buses, pinasususpinde dahil sa bagyo

Hinihikayat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga bus company na may biyahe at tatawid ng karagatan na suspendihin na muna ito.

Ito ay dahil sa pananalasa ng bagyong Urduja ngayong weekend.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, partikular na hinihimok ng NDRRMC ang mga bus company na ang kanilang unit ay isasakay sa mga roll-on/roll-off (RoRo) vessels para hindi maipon ang mga stranded na pasahero sa mga pantalan.

Nakataas na kasi aniya ang storm warning signal na nagbabawal sa ilang sasakyang-pandagat na bumiyahe pa.

Sa ulat ng NDRRMC mula sa Philippine Coast Guard, mayroon nang 3,057 passengers; 331 rolling cargoes at sampung barko na stranded.

Apat na barangay naman sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro ang binaha kung saan isang dike sa nasabing bayan ang nawasak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?