39

By

Biyahe ng MRT-3 kapos sa unang araw ng Marso

Kakaumpisa pa lang ng Marso ay kapos na ang mga bagon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) na bumiyahe.

Nakasaad sa abiso ng MRT-3 sa kanilang Twitter, alas-5:27 ng umaga, anim na tren lamang ang running o gumagana.

Pagsapit naman ng alas-7:17 ng umaga, umabot sa walong tren ang bumibiyahe.

Pero una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na wala silang naitalang aberya sa MRT sa loob ng pitong magkakasunod na araw.

Ang huling unloading incident ay naitala noong Pebrero 21, 2018.

Kapansin-pansin naman na parami na nang parami ang mga pasaherong mas tumatangkilik sa point-2-point buses na bumibiyahe at naghahatid ng mga pasahero sa Ortigas at Ayala.

Sa halip na pumila nang matagal pasakay sa MRT, mas pinipili na ng mga pasahero na sa bus na lamang sumakay na mabilis din naman ang biyahe dahil sa bus lane ito dumadaan at kung minsan ay ineeskortehan pa ng Highway Patrol Group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?