12

Aug 27, 2020 @ 16:46
By

Bituin, Ebe, Pinky magtatanghal para sa b-day ni De Lima

Higit 70 kilalang personalidad ang magpe-perform ngayong gabi para ipagdiwang ang kaarawan ni detained Senator Leila De Lima.

61 anyos na ang senador ngayong Huwebes, Agosto 27, 2020.

Kaya naman ikakasa ang “Leilaya: Tinig at Musika Para sa Diwang Malaya”, na ieere mamayang 8 PM via FM station 87.9 at mapanonood via livestream sa Facebook pages na Free Leila Movement, Leila de Lima, at Free Leila Committee.

Kabilang sa mga dapat abangan, ayon sa isang ulat, ay ang pagkanta nina Cooky Chua, Ebe Dancel, Noel Cabangon, Adrik Cristobal, Buboy Garrovillo, Leah Navarro, Jim Paredes, Bituin Escalante, Pinky Amador, at Bayang Barrios.

Magsasagawa naman ng interpretative reading sina Angel Aquino, Ria Atayde, Bodje Pascua, Michael de Mesa, at iba pa ukol sa mga sinulat ng senador habang nasa detensyon.

Ito na ang pang-apat na beses na magdiriwang ng kaarawan si De Lima sa loob ng PNP Custodial Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?