91

Nov 23, 2021 @ 17:11
By

Bitoy nagluksa kay direk Bert de Leon

Nagbigay tribute si Michael V sa kanilang “Pepito Manaloto” at “Bubble Gang” director na si Bert de Leon.

Sa Instagram, ibinahagi ni Bitoy ang larawan habang nakayakap siya sa namayapang direktor.

“Cut! Good take! Moving on…” caption ng comedian.


Noong Linggo pumanaw ang batikang direktor sa telebisyon.

Ang kanyang pamangkin na si Jonna de Leon ang nagbahagi ng balita sa social media ngunit hindi binanggit ang ikinamatay ng direktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?